Ang Miss World 2008 ay ang ika-58 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Sandton Convention Center sa Johannesburg, Timog Aprika noong 13 Disyembre 2008. Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Zhang Zilin ng Tsina si Ksenia Sukhinova ng Rusya bilang bagong Miss World. Ito ang pangalawang tagumpay ng Rusya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Parvathy Omanakuttan ng Indiya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Gabrielle Walcott ng Trinidad at Tobago. Mga kandidata mula sa 109 na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Tumisho Masha at Angela Chow ang kompetisyon. Nagtanghal sina Alesha Dixon at ang bandang McFly sa edisyong ito.
Developed by StudentB